Credits: Vladimir Eduarte
We want Game 7!
Malinaw ang mensahe ng fans ng Ginebra sa Araneta Coliseum kagabi. Hindi sila binigo ng Kings na nabuhay sa kanilang tatak na never-say-die matapos maghabol mula sa pagkakabaon ng 16 puntos ay bumalikwas para itakas ang Game 6, 80-72.
Ibinato na lang ng maaaring ipukol, hindi pumayag ang Ginebra na magbagsakan na ang mga ubeng lobo ng Air21 Express.
Sa pangunguna ng PBA career-high na 37 points, 20 nang maghabol sila sa third quarter, ni import Chris Alexander na may hinablot pang 24 rebounds, hinatak ng Ginebra ang do-or-die Game 7 sa Miyerkules sa Big Dome rin para desisyunan na ang maghahari sa 2007-08 SMART PBA Fiesta Conference.
Si Eric Menk lang ang naka-double figures sa Gin Kings sa kinamadang 10 points, pero sapat na para sa panalo.
Minarkahan ni Chris Alexander ng Barangay Ginebra San Miguel ang pangatlong panalo ng Kings matapos bulilyasuhin sa Game Six ang Air21 at tumabla sa Express sa 2008 Smart-PBA Fiesta Conference Finals sa Big Dome kagabi. (John Paulino)
“It was an epic game, we got back because of the spirit of Bgy. Ginebra, never-say-die, the energy and spirit,” ani coach Jong Uichico. “Walking wounded na kami but the heart is still there. That’s the main thing that’s keeping us in the series.”
Sa unang isa at kalahating quarter, puro ungol ang 18,043 gate attendance ng Big Dome na nagbayad ng kabuuang P2.5-million dahil sa sunud-sunod na errors ng crowd-favorite team Bgy. Ginebra.
Nagsimula ang second period na 0-of-6 ang Kings mula sa field kaya lumayo ng hanggang 33-17 ang Express. Pero biglang nabuhay ang crowd nang magpakawala ng 12-4 run ang Bgy. Ginebra sa huling apat na minuto kaya papasok ng halftime ay nakadikit na sa 37-34.
Sa third, bahagyang lumayo ulit ang Air21 sa 55-48 pagkatapos ng back-to-back steals ni Wynne Arboleda na naging dahilan din para maging pang-18 player na nakasalikwat ng 500 steals.
Pero hindi pa sumusuko ang Kings, tinapos nila ang huling tatlong minuto ng third sa isang pasabog na 13-0 run kaya papasok ng fourth ay biglang abante na sa 61-55.
Lamang ang Gins sa 70-66, napilayan nang husto ang hukbo ni Express coach Bo Perasol nang makuha ni Steven Thomas ang pang-lima at pang-anim na foul sa loob lang ng halos isang minuto, pareho pang kay Eric Menk, kaya sa huling 4:53 ng laro ay all-Filipino na ang Air21.
Sa huling 1:50, bahagyang nakalayo ang Kings sa 74-69 nang pumasok ang dalawang foul shots ni Chris Alexander pagkatapos ng double-technical fouls kina Gary David at Junthy Valenzuela. Pinalabas ng court si Valenzuela dahil ikalawang technical na niya ang tawag.
Papasok ng huling minuto, nawala sa Gins ang bola pero agad din nila itong nabawi at nang maipasok ni Chris Pacana ang dalawang free throws ay lumayo na sila sa 78-71.
Lumapit sa anim ang Expres pagkatapos ng dalawang foul shots ni Egay Billones pero pasok din ang dalawang tira ni Mark Caguioa sa charity line 34.6 seconds na lang para sa 80-72 na tuluyang nagselyo sa laro.
“It’s going to be a battle on Wednesday,” paniniguro ni coach Jong.
‘DI PA KAMPEON! Kings binulilyaso ang Express
Posted by
MinnieRunner
|
Labels:
2008 Smart PBA Fiesta Conference,
Air21 Express,
Barangay Ginebra Kings,
Bo Perasol,
Chris Alexander,
Chris Pacana,
Eric Menk,
Gary David,
Jong Uichico,
Junthy Valenzuela,
Steve Thomas,
Wynne Arboleda
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment